Magsasaka pinabulagta

TUGUEGARAO CITY Philippines - Pinaniniwalaang asunto sa lupa ang isa sa motibo kaya pinagbabaril hanggang sa ma­patay ang 56-anyos na magsasaka ng mga di-kilalang lalaki sa Barangay Alogoog sa bayan ng Badoc, Ilocos Norte kamakalawa. Napuruhan sa ulo ang biktimang si Angel Laeda, may asawa at nakatira sa nabanggit na barangay. Ayon kay P/Insp. Laurel Gayya, hepe ng pulisya sa bayan ng Badoc, naglalakad ang biktima nang ratratin ng mga di-kilalang lalaki na lulan ng trak.

Show comments