13-anyos dinos-por-dos, dedo

MAKILALA, North Cotabato, Philippines - Napatay ang 13-anyos na batang babae matapos hampasin ng dos-por-dos ng 17-anyos na tinedyer sa bisinidad ng Barangay Cabilao sa bayan ng Makilala, North Cotabato kahapon. Ayon sa report, naglalakad pauwi ng bahay ang biktima nang harangin at hatawin ng suspect sa ulo. Ayon sa Makilala PNP, nasaksihan ng mag-asawang Narciso at Ruth Tampipi ang ginawa ng suspek na si Loloy. Nang makita ang mag-asawa, tumakbo raw ang suspect. Nasakote naman ang suspect sa sentro mismo ng barangay. Todo-tanggi pa rin ang suspect sa krimeng ginawa kahit na may ilang nakasaksi. Maging ang kanyang ina ay naniniwala na ‘di magagawa ng anak ang karumal-dumal na krimen kung saan wala raw dahilan para patayin ang kapitbahay na si Genevieve. Pursigido ang mga magulang ng biktima na mabigyan ng hustisya ang sinapit ng anak.  

Show comments