^

Probinsiya

22 sundalo sugatan sa landmine ng Abu

- Joy Cantos -

MANILA, Philippines - Umaabot sa 22-sundalo ang iniulat na nasugatan kabilang ang pito na nasa kritikal na kalagayan makaraang masabugan ng landmine na itinanim ng mga bandidong Abu Sayyaf Group sa kagubatan ng Sumisip, Basilan kahapon ng umaga.

Sa phone interview, sinabi ni Col. Ricardo Visaya, commander ng Army’s 104th Infantry Brigade at Joint Task Force Basilan, naganap ang pagsabog dakong alas-8 ng umaga sa Abong –abong Peak  sa Sitio Pansol, Barangay Baywas.

Nabatid na sinusuyod ng combat reconnaissance patrol ng 13th Scout Ranger Company ni Lt. Guerrero ang nasa­bing kagubatan nang matapakan ng isa sa mga sundalo ang manipis na tali na nakalagay sa patibong na landmine.

Dito na sumabog ang landmine na ikinasugat ng 22 sa mga sundalo kung saan pito sa mga ito ang nagtamo ng grabeng sugat.

Pansamantalang hindi tinukoy ang pagkakakilanlan ng pitong sundalo na malubhang nasugatan hangga’t hindi naipapaabot ang insidente sa kani-kanilang pamilya.

Ang pinangyarihan ng insidente ay malapit sa isa sa pa­ngunahing kampo ng Abu Sayyaf na nakubkob ng militar na ikinasawi ng lima sa mga bandido at isang sundalo habang 20-improvised landmine naman ang nasamsam noong Marso.

vuukle comment

ABONG

ABU SAYYAF

ABU SAYYAF GROUP

BARANGAY BAYWAS

BASILAN

INFANTRY BRIGADE

JOINT TASK FORCE BASILAN

RICARDO VISAYA

SCOUT RANGER COMPANY

SITIO PANSOL

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with