Tandem todas sa killer bus

SANTIAGO CITY, Isabela, Philippines – Kamatayan ang sumalubong sa riding-in-tandem matapos salpukin ng pampasaherong bus sa Cagayan, ayon sa ulat kahapon. Kinilala ang dalawa na sina Dennis Agustin, 21; at Carmelo Anthony Baquiring, 28, kapwa nakatira sa Barangay Mabnang sa bayan ng Claveria, Cagayan. Base sa imbestigasyon ng pulisya, unang pinara ng mga tauhan ng Land Transportation Office ang dalawa dahil sa walang suot na helmet. Subalit sa halip na huminto ay pinaharurot ang kanilang motorsiklo kung saan bumangga sa kasalubong na GMW Bus may 200 metro ang layo sa checkpoint ng LTO. Nangako naman ang may-ari ng bus na pananagutan nila ang anumang obligasyon sa pamilya ng dalawang biktima.

Show comments