Hanging bridge naputol: 6 grabe

QUEZON, Philippines  - Anim na mag-aaral sa elementarya ang iniulat na malubhang nasugatan makaraang mahulog mula sa naputol na lumang hanging bridge sa Barangay Poblacion, Lucena City, Quezon kamakalawa ng hapon. Naisugod naman sa ospital ang mga biktimang sina Cala­risse Benaria,13; Cherre Ann Meneses,15; kapwa residente sa Barangay Masalukot 2; Ellaine Villapando, 13; Jazz Rosales, 12; kapwa ng Barangay Masalukot; Renz Cueto, 15; at si Bless Atienza, kapwa nakatira sa Barangay Poblacion. Ayon kay PO2 Arthur Archivald Real, naglalakad ang mga biktima sa lumang hanging bridge na nag-uugnay sa Barangay ng Poblacion at Barangay Masalukot nang biglang maputol ang kable nito. Mula sa 15 talampakang taas ay bumagsak sa batuhang kalye ang mga biktima.

Show comments