Mister todas sa pulis

LEGAZPI CITY, Albay, Philippines – Nalalagay sa balag ng ala­nganin ang isang pulis matapos nitong mabaril at ma­patay ang isang mister sa Sitio Pulang Duta, Barangay Rizal sa bayan ng Monreal, Masbate kamakalawa. Kinilala ang napatay na si Rolando Almoguera habang sumuko naman ang suspek na si PO1 Jumar Bartolay, 24, ng 2nd Maneuver Company at nakatira sa bayan ng San Jacinto, Masbate. Nabatid na inutusan ng tiyuhing si Ronnie Cerillo ang kanyang pamangking si PO1 Bartolay na barilin at patayin ang alagang baka bago ipagbili ang karne nito. Subalit imbes na ang baka ang tamaan ng bala ang M16 Armalite rifle ay tumama ang bala sa biktima na sinasa­bing na nakatayo.

Show comments