^

Probinsiya

Circulation manager ng Brigada News itinumba

- Joy Cantos -

MANILA, Philippines - Patay ang Circulation Manager ng isang lokal na pahayagan matapos na pagbabarilin ng  hindi pa nakilalang mga armadong riding in tandem sa naganap na ambush sa General Santos City nitong Biyernes ng madaling araw.

Idineklarang dead-on-arrival sa pagamutan ang biktimang kinilalang si Alfredo Velarde Jr. alyas Dodong matapos mapuruhan ng tama ng bala sa iba’t-ibang bahagi ng katawan.

Batay sa ulat, sinabi ni PNP Spokesman Chief  Supt. Agrimero Cruz Jr.,  naganap ang pananambang sa biktima sa harapan ng Brigada News  sa kahabaan ng Rosario Village, Mahogany Street ng lungsod dakong alas-3:50 ng madaling-araw.  

Kasalukuyang nasa harapan ng kanilang upisina ang biktima nang biglang sumulpot ang riding in tandem at pagtapat dito ay pinaputukan ng sunud-sunod hanggang sa duguang bumulagta.

Pagbagsak sa lupa ay muli itong pinagbabaril ng mga suspek upang tiyakin na patay na ang target.

Ang mga suspek ay mabilis na nagsitakas patungo sa hindi pa malamang destinasyon.

Patuloy ang imbestigasyon ng mga awtoridad sa motibo ng krimen.

vuukle comment

AGRIMERO CRUZ JR.

ALFREDO VELARDE JR.

BATAY

BIYERNES

BRIGADA NEWS

CIRCULATION MANAGER

GENERAL SANTOS CITY

MAHOGANY STREET

ROSARIO VILLAGE

SPOKESMAN CHIEF

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with