Trader bulagta sa holdaper

MANILA, Philippines - Bulagta ang isang 37-anyos na negosyanteng Bumbay na tumangging ibigay ang malaking halaga matapos barilin ng isang holdaper sa bahagi ang Far East Asia Village, Marcos Highway sa Barangay Mayamot, Antipolo City, Rizal kamakalawa ng gabi. Kinilala ng pulisya ang napaslang na si Harbans Singh ng # 2 Don Lorenzo Street, Katarungan Village, Barangay Mambugan. Base sa ulat ni PO1 Ruelito Acuña, abala ang biktima sa loob ng kanyang tindahan nang pasukin ng armadong lalaki. Tumanggi naman ang biktima na ibigay ang malaking halaga na kinita sa tindahan kaya siya binaril.

Show comments