Magpinsan itinumba

BULACAN, Philippines  – Napaslang ang magpinsan habang nasa kritikal naman na kalagayan ang kanilang kasama makaraang pagbabarilin ng isa sa dalawang di-kilalang lalaki sa loob ng pampasaherong jeepney sa bayan ng Sta. Maria, Bulacan kamakalawa ng hapon. Namatay habang ginagamot sa St. Mary’s Hospital ang mag-pinsang Wilbert Dela Peña, 26, drayber ng jeepney; at Noel Diaz, 31, kapwa nakatira sa Sitio Centro, Brgy. Bulac habang nakikipaglaban naman kay kamatayan si Crisanto Dula, 40, ng Brgy. San Jose Patag. Ayon kay PO2 Rex Belli Tamani, naganap ang krimen sa terminal ng mga pampasaherong jeepney sa Guyong-Patag-Poblacion junction kung saan nakasakay ang mga biktima mula sa Barangay San Jose Patag. Pinaniniwalaang away ng magkalabang pamilya ang isa sa motibo ng pamamaslang.

Show comments