^

Probinsiya

Encounter: 4 tauhan ni Commander Kato, utas

- Joy Cantos -

MANILA, Philippines - Apat na miyembro ng Bangsamoro Islamic Freedom Movement (BIFM) renegade ng wanted na si Commander Ameril Umbra Kato ang napatay habang walo pa ang nasugatan makaraang makasagupa ng grupo nito ang  mga dati nilang kasamahan sa Moro Islamic Liberation Front (MILF) sa bayan ng Datu Piang, Maguindanao kamakalawa.

Sinabi ni PNP Spokesman Chief Supt. Agrimero Cruz Jr. na nauwi sa bakbakan ang ginawang pananambang ng grupo ng BIFM ni Commander Kato sa grupo ng MILF 106th Base Command na pinamumunuan naman ni Commander Mhads Sambolawan sa Brgy. Ganta ng bayang ito dakong alas -6 ng umaga.

Nabatid na nasa 200 tauhan ng BIFM sa pangu­nguna nina Commander Hasan Endal, Samar, Abu Naria, Kagi Karialen at Kagi Talio na nasa 200 ang armadong tauhan ang naunang nagpaputok sa grupo nina Sambolawan na mabilis na nagdepensa.

Base sa report sinabi ni Cruz na apat ang napaslang sa grupo ni Kato habang anim naman sa mga ito ang nasugatan ay dalawa naman sa panig ng 106th Base Command ang sugatan.

Nabatid na humupa lamang ang bakbakan ng magkabilang panig matapos na mamagitan ang MILF Ceasefire Committee at mga miyembro ng International Monitoring Team.

vuukle comment

ABU NARIA

AGRIMERO CRUZ JR.

BANGSAMORO ISLAMIC FREEDOM MOVEMENT

BASE COMMAND

CEASEFIRE COMMITTEE

COMMANDER AMERIL UMBRA KATO

COMMANDER HASAN ENDAL

COMMANDER KATO

COMMANDER MHADS SAMBOLAWAN

DATU PIANG

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with