^

Probinsiya

Outpost ng PNP niratrat: Pulis, 3 pa dedo

- Joy Cantos -

MANILA, Philippines - Nabahiran ng trahedya ang masayang pagdiriwang ng Eid’l Fitr o ang pagtatapos ng Ramadan makaraang ratratin ang outpost ng pulisya na ikinasawi ng isang pulis at tatlong iba pa sa Cotabato City kahapon ng madaling-araw.

Kinilala ang napaslang na si SPO3 Datumanong Lauban ng Community Police Assistance Center Station ng Cotabato City PNP.

Ayon kay Cotabato City Police Director P/Senior Supt. Roberto Badian, napatay din ng mga pulis ang mga bumaril na may mga alyas Dalinding Datu, Upam Ali at Alex Paglas na pawang nakatira sa Barangay Maitumaig, Datu Unsay, Maguindanao.

Naganap ang pamamaril sa loob ng police station sa likod ng Cotabato City Mega Market bandang alas-4 ng madaling-araw  sa pagsisimula ng selebrasyon ng pagtatapos ng isang buwang Ramadan.

Pinaniniwalaan namang personal na alitan ang isa sa motibo ng pagpatay sa nasabing pulis na nataon sa selebrasyon ng Eid’l Ftr.

Samantala, sinabi naman ni ARMM Police Regional Director P/Chief Supt. Bienvenido Latag na maliban sa nasabing kaso ay wala namang naiulat na karahasan sa nasabing selebrasyon sa mga lalawigan ng Maguindanao, Lanao del Sur, Basilan, Sulu at sa Tawi-Tawi.

vuukle comment

ALEX PAGLAS

BARANGAY MAITUMAIG

BIENVENIDO LATAG

CHIEF SUPT

COMMUNITY POLICE ASSISTANCE CENTER STATION

COTABATO CITY

COTABATO CITY MEGA MARKET

COTABATO CITY POLICE DIRECTOR P

DALINDING DATU

DATU UNSAY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with