^

Probinsiya

Mag-ama nanggulo sa sayawan, utas sa kuyog

- Joy Cantos -

MANILA, Philippines - Naging mitsa ng kamatayan ng mag-amang siga ang panggugulo ng mga ito sa isang sayawan matapos ang mga itong pagtulungang bugbugin ng taumbayan sa Brgy. Bagumbayan, Pandan, Antique kamakalawa ng madaling-araw. Kinilala ang mga nasawi na sina Fran­cisco Casidsid at anak nitong si Randy Casidsid; pawang residente ng Brgy. Nauring ng bayang ito. Batay sa ulat na nakarating kahapon sa Camp Crame, dakong alas-2:30 ng mada­ling araw ng manggulo ang mag-ama sa kasagsagan ng isang masayang sayawan sa lugar. Lumilitaw sa imbestigasyon, nag-ugat ang insidente matapos suntukin ng batang Casidsid si Chris Bermel bunsod upang sitahin ito at paalisin sa lugar ng punong brgy. tanod na si Rogelio Ausan. Nagsumbong umano ang suspek sa kanyang amang si Francisco kung saan sa kanilang pagbalik sa sayawan ay armado na ang mga ito ng itak, Indian pana, 12-gauge shotgun at tirador at agad na binaril ang tanod na sinuwerteng hindi tinamaan. Samantalang, isa ring lalaki na si Nicomedez Martinez Jr. na nakatayo sa may pader ang nasugatan at isinugod sa pagamutan matapos na mapagtripan ring barilin ng mag-ama na nagtatawanan pa . Dito na nagalit ang mga tao at pagtulungan bugbugin hanggang sa mapatay ang mag-ama.

vuukle comment

BAGUMBAYAN

BATAY

BRGY

CAMP CRAME

CASIDSID

CHRIS BERMEL

DITO

NICOMEDEZ MARTINEZ JR.

RANDY CASIDSID

ROGELIO AUSAN

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with