^

Probinsiya

2 bodyguard nagbarilan sa opisina ng mayor

- Nina Dino Balabo at Joy Cantos -

BULACAN, Philippines – Napaslang ang tumatayong bodyguard ng alkalde habang apat-katao naman ang nasuga­tan matapos magbarilan ang ilang security escort sa loob ng opisina ng mayor sa bayan ng Guiguinto, Bulacan kahapon ng hapon.

Sa inisyal na ulat ni P/Senior Supt. Fernando  Mendez Jr. , Bulacan PNP director, kinilala ang napatay na si Danilo “Danny” Bana, 50, ng Barangay Malis, isa sa mga security escort sa loob ng 10 taon ni Guiguinto Mayor Isagani Pascual.

Nakaligtas naman sa pamamaril si Mayor Pascual na nagkataong nasa loob ng kaniyang opisina nang maganap insidente.

Kabilang sa mga nasuga­tang naisugod sa Bulacan Polymedic Hospital ay sina Atty. Edwin Cerezo, municipal legal officer; PO1 Michael Mendoza, Eduardo Pregino, bodyguard din ng alkalde, at isa pang kaibigan ng alkalde na nakilala lamang sa pa­nga­lang Jonjon.

Bago ang insidente, sinasabing kinastigo ni Mayor Pascual si Bana kahapon ng umaga dahil sa kapalpakang nagawa nitong pagkakamali na tumanggi namang idetalye ng opisyal.

Ayon sa imbestigasyon, sinasabing lango sa alak na pumasok si Bana sa tanggapan ni Mayor Pascual at bigla na lamang namaril sa mga taong inabutan nito kung saan bunga ng insidente ay napilitan naman ang mga kasamahan nitong security escorts na gumanti.

“Ang alam ko ay nagpang-abot sina Bana at Pregino bago magkaputukan,” paha­yag naman ni Mayor Pascual.

Tumagal ng 5-minuto ang putukan na nagsimula bandang alas-3:20 ng hapon habang patuloy naman ang imbestigasyon.

vuukle comment

BANA

BARANGAY MALIS

BULACAN

BULACAN POLYMEDIC HOSPITAL

EDUARDO PREGINO

EDWIN CEREZO

GUIGUINTO MAYOR ISAGANI PASCUAL

MAYOR PASCUAL

MENDEZ JR.

MICHAEL MENDOZA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with