^

Probinsiya

Sundalo patay sa ambush

- Ni Ed Casulla -

CAMP SIMEON OLA, Legazpi City ,Philippines  — Isang sundalo ang nasawi matapos na ito ay tambangan ng mga miyembro ng rebeldeng New People’s Army ( NPA ) habang pabalik na sana sa kanilang kampo sa Barangay Sangat, Gubat, Sorsogon kamakalawa. Nakilala ang biktima ay si Private Christian Montero, nasa hustong gulang, miyembro ng Bravo Company ng 49th Intantry Battalion ng Phil. Army. Bandang ala-1:20 ng hapon habang ang tropa ng Philippine Army ay pabalik na sa kanilang kampo ng ratratin ng mga rebelde kung saan mabilis na nakipagpalitan ng putok sa mga kalaban ang mga sundalo. Minalas namang masapul ng tama ng punglo si Montero na siya nitong ikinasawi. Patuloy ang hot pursuit operations laban sa grupo ng mga rebelde.

vuukle comment

BANDANG

BARANGAY SANGAT

BRAVO COMPANY

INTANTRY BATTALION

ISANG

LEGAZPI CITY

MINALAS

NAKILALA

NEW PEOPLE

PHILIPPINE ARMY

PRIVATE CHRISTIAN MONTERO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with