2 bata nalunod sa irigasyon

NUEVA ECIJA , Philippines – Kapwa patay na nang matagpuan ng mga awtoridad ang dalawang bata na nalunod sa irrigation canal sa Barangay San Josef sa bayan ng Peñaranda, Nueva Ecija noong Martes ng umaga. Sa police report na nakarating kay P/Senior Supt. Roberto Aliggayu, Nueva Ecija PNP director, nakilala ang mga nasawi na sina Pocholo “Pochie” Padilla, 4; at Abegail “Abby” Madrid, 6, kapwa nakatira sa Barangay San Josef. Nabatid na hindi nagpaalam ang dalawang bata sa kanilang mga magulang na maliligo sa irigasyon kung san hinigop ng malakas ng water current. Bandang alas-11:35 ng umaga nang matagpuan ang mga bangkay ng dalawang bata na palutang-lutang sa tubig.

Show comments