^

Probinsiya

4 holdaper todas sa shootout

-

MANILA, Philippines - Apat na pinaghihinalaang notoryus na miyembro ng robbery/holdup gang ang napatay ng mga nagrespon­deng awtoridad matapos holdapin ang dalawang Burger Machine outlet sa naganap na shootout sa Tarlac City kahapon ng madaling-araw. Batay sa ulat ng Tarlac City Police, sinabi ni PNP Spokesman Chief Supt. Agrimero Cruz Jr., bandang alas-4:30 ng madaling-araw ng makasagupa ng pinagsanib na elemento ng Tarlac Provincial Police Office at Criminal Investigation and Detection Team (CIDT) ang grupo ng mga holdaper sa Brgy. Tariji ng lungsod na ito. Bago ang shootout ay magkakasunod na hinoldap ng apat na mga armadong suspek ang dalawang outlet ng burger machine na matatagpuan sa Brgy. Ligtasan at San Roque; pawang ng nabanggit na siyudad. Naispatan naman ng mga nagpapatrulyang mga operatiba ng pulisya ang mga suspek habang papatakas tangay ang kanilang mga nakulimbat. Dito na nagkaroon ng habulan na nauwi sa ilang minutong putukan na ikinasawi ng apat na holdaper na pawang inaalam pa ang pagkakakilanlan. Narekober sa pinangyarihan ng shootout ang mga ninakaw ng mga holdaper partikular na ang perang kinita ng burger machine at nasamsam rin mula sa bangkay ng mga ito ang dalawang cal. 45 pistol at dalawang cal. 38 pistols.

vuukle comment

AGRIMERO CRUZ JR.

BRGY

BURGER MACHINE

CRIMINAL INVESTIGATION AND DETECTION TEAM

SAN ROQUE

SPOKESMAN CHIEF SUPT

TARLAC CITY

TARLAC CITY POLICE

TARLAC PROVINCIAL POLICE OFFICE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with