4 todas sa road mishap

PAGBILAO,QUEZON, Philippines  — Apat katao ang kumpirmadong nasawi habang dalawang iba pa ang malubhang nasugatan makaraang aksidenteng magbanggaan ang isang van at kasalubong nitong truck sa pakurbadang daan ng New Diversion Road, Brgy. Silangang Mlicboy ng bayang ito, kamakalawa ng gabi.

Nagtamo ng grabeng kapinsalaan sa ulo at mga katawan sanhi upang mamatay agad sa pinangyarihan ng trahedya ang mga biktimang sina Marcos Bartolome, 37, driver ng Isuzu Wing van (PCI-272 ), Sonny Bartolome, Mark Leslie de la Cruz at Roldan Lakang; pawang mga residente ng Bulacan.

Ang mga nasugatan na mabilis namang isinugod sa pagamutan para malapatan ng lunas ay sina Jose Pa­nuelos, 34, driver ng cargo truck (TMP-829) at pahinante nitong si Heros Leomo, 24 ng Camarines Sur.

Ayon sa imbestigasyon ng pulisya, dakong alas-11:50 ng gabi ay patungo sa Pili, Camarines Sur ang van na minamaneho ni Bartolome at pagsapit sa kurbadang parte ng kalye ay nawalan ito ng preno dahilan upang kabigin ng driver ang sasakyan pakaliwa subalit nabangga ito ng kasalubong na cargo truck. 

Show comments