^

Probinsiya

Cagayan idedeklarang gun free zone - PNP

- Joy Cantos -

MANILA, Philippines - Dahilan sa serye ng mga karahasan partikular na ang mga patayan, sususpendihin ng Philippine National Police (PNP) ang lahat ng Permit to Carry Firearms Outside Residence (PTCFOR) sa lalawigan ng Cagayan.

Ito ang inianunsyo kahapon ni PNP Chief Director General Raul Bacalzo sa ginanap na Talakayan sa Isyung Pampulis (TSIP) sa Camp Crame.

Sinabi ni Bacalzo na ito’y matapos maalarma ang PNP dahilan umaabot sa 12 kaso ng karahasan ang naitala sa nakalipas na dalawang halalan ng taong ito sa nasabing lalawigan.

 “ We will declare the province of Cagayan  a gun free zone to address the peace in order, we will suspend all the permit to carry firearms,” ani Bacalzo kung saan ang hakbang ay ipatutupad sa unang linggo ng Disyembre para may panahon pang maimpormahan ang mga residente.

 Ayon kay Bacalzo, isang kumpanya ng Special Action Force o kabuuang 120 elite unit ng PNP ang ipinadala sa  Cagayan upang masupil ang  mga karahasan sa lalawigan sa kabila ng tapos na ang May 2010 national elections at maging ang Brgy./SK elections nitong nakalipas na Oktubre 25.

 Nabatid sa PNP Chief na inatasan na nito si Police Regional Office (RO) 2 Director Chief Supt. Francisco Villaroman na ipatupad ang pagsuspinde ng PTCFOR base sa suhestiyon ng Sangguniang Panlalawigan  na pinaboran ni Gov. Alvaro Antonio at may basbas na ni Pangulong Benigno Aquino III.

 Noong Lunes ng gabi ay binaril ng hindi nakilalang mga armadong kalalakihan si Tuguegarao City Mayor Delfin Ting na nagtamo ng tama ng bala sa ilong.

 Samantalang noong Oktubre 22 ay nasugatan sa ambush sa Tuao, Cagayan ang kapatid na babae ni Cagayan Vice Governor Layeonides Fausto na si Lenny Fausto habang nasawi naman ang driver  nitong si Sofronio Mamba.

vuukle comment

ALVARO ANTONIO

BACALZO

CAGAYAN VICE GOVERNOR LAYEONIDES FAUSTO

CAMP CRAME

CARRY FIREARMS OUTSIDE RESIDENCE

CHIEF DIRECTOR GENERAL RAUL BACALZO

DIRECTOR CHIEF SUPT

FRANCISCO VILLAROMAN

ISYUNG PAMPULIS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with