^

Probinsiya

Barko lumubog: 2 Chinese utas

- Joy Cantos -

MANILA, Philippines –  Dalawang tripulanteng Intsik ang nasawi habang tatlo pa ang nailigtas makaraang aksidenteng lumubog ang sinasakyan ng mga itong cargo vessel sa karagatan ng Northern Luzon, ayon sa ulat kahapon.

Sa tinanggap na ulat ng National Disaster Risk Reduction Management Council (NDRRMC), inihayag ng Philippine Coast Guard (PCG) na ang tatlong survivors at ang dalawang namatay ay natagpuan sa layong 97 hanggang 127 nawtikal na milya sa hilagang silangan ng karagatan ng Itbayat sa Batanes.

Nabatid na bukod sa Philippine Navy ay tumulong na rin sa search and rescue operations ang Japan Coast Guard.

Magugunita na nasa 20 tripulanteng Intsik ang iniulat na nawawala makaraang aksidenteng lumubog ang Panamian cargo vessel ng mga ito na MV Nasco Diamond sa bahagi ng karagatan ng hilagang Luzon kamakailan,

Nabatid na nawalan ng kontak ang mga awtoridad sa M/V Nasco Diamond na patungong Lian Yungang, China na dumaan lamang sa teritoryo ng karagatan ng bansa.

vuukle comment

INTSIK

JAPAN COAST GUARD

LIAN YUNGANG

NABATID

NASCO DIAMOND

NATIONAL DISASTER RISK REDUCTION MANAGEMENT COUNCIL

NORTHERN LUZON

PHILIPPINE COAST GUARD

PHILIPPINE NAVY

V NASCO DIAMOND

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with