Salpukan ng 2 tricycle, trak: 1 todas

MANILA, Philippines - Sta Cruz, Zambales, Philippines  —Isa ang patay samantalang tatlo naman ang sugatan sa naganap na salpukan ng dalawang tricycle at truck sa kahabaan ng National highway ng Brgy. Pagatpat sa bayang ito kamakalawa ng gabi. Ayon kay Police In­s­pector Generico M. Binan, hepe ng pulisya, kinilala ang nasawi na si Christopher C. Cruz, 26, driver ng Brgy. Malabago. Samantala sugatan naman sina Adriano G. Pera, 43, ng Poblacion South; Ace Manuel S. Abrigo, 41, binata, kar­pen­tero ng Brgy. Malabago at Wilfredo M. Arcangel Jr., 56, ng Brgy. Poblacion North. Batay sa isinagawang imbestigasyon, dakong alas-6:45 ng gabi patungo umano sa timog ang   tricycle na minamaneho ni Cruz ng mawalan ng kontrol at masalubong ang Elf Truck na may plakang TTR-302 na minamaneho ni Walter B. Mirador, 33, ng Sitio Banog Brgy. Cato Infanta Pangasinan kasunod ang pagsalpok sa kasalubong na Honda TMX 155 na minamaneho ni Arcangel na nagresulta ng trahedya.

Show comments