^

Probinsiya

Amok sa kampo: 7 Cafgu todas

- Joy Cantos -

MANILA, Philippines - Kamatayan ang suma­lu­bong sa anim na sundalo ng Cafgu Active Auxiliary makaraang pagbabarilin ng kanilang kasamahan nag-amok na napatay din sa loob ng detachment sa Barangay Palid, sa bayan ng Ipil, Zamboanga Sibu­gay kamakalawa ng gabi.

Kinilala ni P/Chief Supt. Edwin Corvera ang mga napaslang sina CAA Nar­ciso Rudas, Nilo Rudas, Ike Ablo, Edgar Sibelo, Salvador Belono at isa pang ‘di-pa kilala.

Napatay naman ang nag-amok na si CAA Ole­gario Bucal matapos man­laban sa mg awtoridad.

Nabatid na bigla na la­mang pumasok at nag-amok si Bucal sa loob ng Palid Detachment kung saan nanonood ng telebis­yon ang kanyang mga ka­samahang Cafgu.

Hindi na nakapanlaban pa ang mga nasorpresang biktima kung saan mabilis na tumakas si Bucal na nakipagbarilan sa tropa ng Philippine Army at pulisya na rumesponde.

Dahil sa pagtangging su­­muko sa mga huma­habol na sundalo at pulis ay napatay si Bucal ma­tapos makipagbarilan sa arresting team.

vuukle comment

BARANGAY PALID

BUCAL

CAFGU ACTIVE AUXILIARY

CHIEF SUPT

EDGAR SIBELO

EDWIN CORVERA

IKE ABLO

NILO RUDAS

PALID DETACHMENT

PHILIPPINE ARMY

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with