^

Probinsiya

Task Force Cliff Ampatuan binuo

- Joy Cantos -

MANILA, Philippines –  Binuo na kahapon ang Task Force Cliff Ampatuan, upang resolbahin ang pana­nambang at pagkaka­patay sa apo ni ex-Maguin­danao Governor Andal Ampatuan Sr. sa bayan ng Esperanza, Sultan Kudarat noong Oktubre 13.

Ayon kay P/Supt Teng Tocao, officer-in-charge ng Sultan Kudarat Provincial Police Office, kabilang sa bubuo sa Task Force bukod sa kaniyang himpilan ay ang Esperanza Municipal PNP, Criminal Investigation and Detection Group at Provincial Public Safety Management Company.

Napaslang si Datu Cliff Am­patuan, 50, matapos rat­ratin ng mga armadong lalaki kung saan nasugatan naman ang kanyang misis na si Bai Normina Ampa­tuan, Ali Omar at isang alyas Harris Gaya.

Ang grupo ni Datu Cliff na patungo sana sa bayan ng Isulan, Sultan Kudarat nang tambangan sa Brgy. La­guinding.

Napag-alamang bayaw din ni Mayor Datu Akmad Sangki ng Datu Abdullah Sangki, Maguindanao si Datu Cliff.

Sinisilip ang anggu­ long personal na alitan ng pa­milya laban kay ex-Mayor Ali Camino ng Da­tu Ab­dullah Sangki na ang si­nuportahan sa pu­li­ti­ka noong May 2010 mayoralty race ay si An­dal Am­patuan Jr. na ka­bilang sa itinu­turong mastermind sa Maguindanao massacre.

vuukle comment

ALI OMAR

BAI NORMINA AMPA

CRIMINAL INVESTIGATION AND DETECTION GROUP

DATU ABDULLAH SANGKI

DATU CLIFF

DATU CLIFF AM

ESPERANZA MUNICIPAL

GOVERNOR ANDAL AMPATUAN SR.

SHY

SULTAN KUDARAT

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with