Mag-asawa, anak ng konsehal minasaker

CAMP SIMEON OLA, Legazpi City, Philippines   - Pinaniniwalaang may kaugnayan sa nalalapit na barangay at Sangguniang Kabataan elections sa Oktubre 25 ang naganap na pamamaslang sa mag-asawa at isang anak ng konsehal sa loob ng kanilang tahanan sa Barangay Nabasan sa bayan ng Daraga, Albay kahapon ng madaling-araw.

Napatay ang mag-asawang sina Barangay Kagawad Wilfredo Lotino, 45; Evelyn Lotino, at ang pamangking si Anjo Martos, 20.

Kasalukuyan namang nasa ospital ang anak ng mag-asawang Lotino na si Jenny, 19.

Napag-alamang si Wilfredo ay nasa ikatlong termino at ‘di-na maaring kumandidato kaya ang ipinalit ay ang kanyang asawang si Evelyn habang si Anjo na nakitulog lamang sa tahanan ng mag-asawa ay anak ng barangay kagawad na muling kakandidato.

Lumilitaw sa imbestigasyon, naganap ang krimen dakong alauna ng madaling-araw habang ang mga biktima ay natutulog sa loob ng kanilang bahay.

Malaki ang posibilidad na may kaugnayan sa politika ang nalalapit na eleksyon, ang naganap na pamamas­lang sa tatlo.

Show comments