5 nene minolestiya ng guro

BULACAN, Philippines  — Nahaha­rap sa kasong kriminal ang isang 54-anyos na guro matapos molestiyahin ang limang menor-de-edad na dalagita sa bayan ng Sta. Maria, Bu­lacan, ayon sa ulat kahapon. Sa bisa ng dalawang warrant of arrest na inisyu nina Judge Ma.Teresa Men­doza-Ar­cega ng Malolos City Regional Trial Court Branch 17 at Judge Felino Elefante ng Sta. Maria Municipal Trial Court, inilatag ang operasyon nina SPO2 Vicente Herrera at PO2 Adrian Nolasco laban sa sus­pek na si Virgilio Joa­­quin ng Bulacan Agricultural National High School at nakatira sa Barangay Guyong. 

Nadakip naman ang sus­pek matapos bu­malik sa kanyang tahanan ban­dang alas-6:30 ng gabi. Ayon sa pulisya, naga­ganap ang pang­momo­lestiya sa loob ng kuwarto ng suspek sa nabanggit na school. Maging sa loob ng kotse sa tuwing inihahatid ang mga biktima sa kani-kanilang bahay.

Show comments