^

Probinsiya

Killer bus: Beauty queen, 2 pa dedo

- Nina Ed Casulla at Joy Cantos -

LEGAZPI CITY, Philippines — Ilang araw pa lang naganap ang pinakamalalang highway di­saster na kinasangkutan ng pampasaherong bus sa bayan ng Sablan, Ben­ guet na ikinasawi ng 42-katao, isa na namang pam­pasa­he­rong bus ang sumalpok sa kotse sa Maharlika High­way sa ba­yan ng Bula, Camarines Sur kung saan tatlo-katao kabilang ang isang beauty queen ang na­­matay ka­hapon ng umaga.

Kabilang sa mga nasawi ay ang Bb. Pilipinas-International 2009 na si Melody Adelaide Manuel Gers­bach, 24, dalaga, ng Ba­rangay Kuliat, Daraga, Albay; talent manager na si Alden Orense, drayber na si Ramon Santos habang nakikipaglaban naman kay kamatayan sa Bicol Medical Center ang isa pang kasama ni Gersbach na si Ronald Lita.

Si Gersbach na nagta­pos ng kursong Management sa University of Asia and The Pacific ay isinilang sa bansang Alemanya subalit lumaki sa bayan ng Daraga, Albay sa piling ng kanyang ina kung saan namahala sa kanilang ne­gosyong restaurant sa Legazpi City.

Bukod sa pagiging Bb. Pilipinas-International 2009, si Gersbach ay ti­nang­hal ding Miss Maga­yon noong Abril 2008 at Miss Bicolandia sa Pe­ ña­­fran­cia Festival noong Set­yembre 2008.

Sa inisyal na impormas­yon mula sa Camp Simeon Ola sa Legazpi City, lulan ng Innova na may plakang NPQ 365 ang mga biktima patungo sana sa Naga City nang salpukin ng Guevarra Bus Lines (EVL121) na minamaneho ni Wilson Pontillas sa Sitio Banasi, Barangay Pawili sa na­banggit na highway.

Ayon kay PO2 Jeoffrey Pudanes ng Bula PNP station, ang Guevarra Bus Lines ay pag-aari ni Cecilia Guevarra ng Iriga City.

Nabatid na ang grupo ni Gersbach ay patungo sana sa Naga City para mag-judge sa idaraos na beauty pageant (Miss Bicolandia) nang makasalubong si kamatayan.

Nabatid na masayang nagpaalam si Gersbach sa kanyang lolang si Ade­lita Manuel, 74, at binati pa ang kanyang tiyuhing nag­daos ng kaarawan kaha­pon bago magtungo sa na­bang­git na lungsod.

vuukle comment

ALBAY

ALDEN ORENSE

BARANGAY PAWILI

BICOL MEDICAL CENTER

GERSBACH

GUEVARRA BUS LINES

LEGAZPI CITY

MISS BICOLANDIA

NAGA CITY

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with