Retiradong PNP utas sa LPG

NUEVA ECIJA, Philippines — Isang retiradong sarhento ng pulisya ang iniulat na nasawi makaraang masabugan ng tangke ng liquefied petroleum gas (LPG) habang nagluluto sa kusina ng kanilang tahanan sa Purok 3, Barangay Kalikid sa Cabanatuan City, Nueva Ecija, kamakalawa. Kinilala ni P/Supt. Eliseo Cruz, hepe ng pulisya ng Cabanatuan City, ang namatay na si ex-SPO4 Candido Reñon Sr. Sa im­bestigasyon, nabatid na na-trap ng apoy sa kusina ang bik­tima na nagluluto ng noodles kung saan tumagal ng 45-minuto ang sunog bago naapula.

Show comments