10 gamit-kalamidad sinunog

CAMP SIMEON OLA, Legazpi City, Philippines — Umaabot sa P.3 milyong halaga ng 10 yunit ng gamit-kala­midad (portalet) na pag-aari ng provincial government ng Albay ang sinunog ng mga ar­madong lalaki noong Sa­bado ng tanghali sa Mayon Rivera Subdivision sa Ba­rangay Lidong sa bayan ng Sto. Domingo, Albay. Lumili­taw na sina­lakay ng grupo ang na­bang­git na lugar bago sini­laban ang sampung apparatus na ginamit noong nakalipas na kalamidad da­kong alas-12 ng tanghali. Ayon sa ulat, ang mga portalet ay gina­gamit sa mga evacuation center kapag may kala­midad par­ti­kular na sa pag­putok ng Mt. Mayon. Pina-iim­bes­­ti­gahan na ni Albay Gov. Joey Sal­ceda ang natu­rang pang­yayari.

Show comments