Misis pisak sa trak

BULACAN  , Philippines — Napisak ang katawan ng isang misis na nasagasaan ng truck matapos makabitiw at mahulog sa pagkakaangkas sa motorsiklo kamakalawa ng gabi sa Barangay Bigte sa bayan ng Norzagaray, Bulacan. Kinilala ng pulisya ang nasawi na si Maria Elena Lima 35, ng Sitio Setling, Brgy. Bigte samantalang sumuko naman ang drayber ng trak na si Roger Tueta, 43, ng GSIS Village, Project 8, Quezon City. Sa ulat na nakarating kay P/Supt. Braulio Viola, umangkas ang biktima sa motor­siklo ng kanyang mister na si Isagani Bue mula sa pakikipag-inuman ng alak. Habang tinatahak ang kurbadang highway nang biglang makabitiw ang babae sa pagkakakapit sa kanyang asawa kung saan lumagapak sa sementong kalsada. Dito na nahagip at nagulungan ng trak (CSL-695) ang biktima.

Show comments