Van vs bike: Guro todas

CAMARINES NORTE, Philippines — Isang 54-anyos na guro na si­na­sabing kaanib ng Bicol Riders Club ang kum­pirmadong nasawi maka­raang sumalpok ang kan­yang motorsiklo sa kasa­lubong na van sa Maharlika Highway sa Brgy. Langga sa bayan ng Basud, Ca­marines Norte kamakalawa ng hapon.

Kinilala ni P/Insp. Antonio Perez ang namatay na si Zo­simo Salon, guro sa bayan ng Calabanga, Ca­marines Sur at nakatira sa Barangay Santa Cruz Ratay. Nabatid na nag-overtake sa una­hang sa­sakyan ang biktima lulan ng scooter nang maka­salubong ang van ni Edwin Rebusquillo ng Poblacion sa bayan ng Basud.

Nai­sugod pa sa Leon Hernan­dez Memorial Hospital sa bayan ng Daet ang biktima subalit hindi na tumagal ang buhay.

Show comments