Parokya binomba ng rebelde

MANILA, Philippines - Pinasabog ng mga re­bel­deng grupo ang parokya ng bayan ng Casiguran, Aurora upang takutin ang pari na lumisan kahapon ng ma­daling-araw.

Sa report na nakarating sa Camp Crame, tinarget ng mga rebelde ang pa­rok­ya ni Father Jose Francis­co Tala­ban ng Nuestra Senora dela Salvacion sa Pu­rok 5, sa Barangay Biaonan.

Base sa imbestigasyon, dakong alas-2:12 ng mada­ling-araw nang makarinig ng malakas na pagsabog si Father Talaban malapit sa kanyang kuwarto kung saan sinundan ng sunud-sunod na putok ng baril.

Nang sumilip at luma­bas ang pari sa may gate ng parokya ay namataan nito ang ilang kalalakihan na tumakbo palayo kung saan masuwerte namang hindi nasugatan si Fr. Talaban.

Ikinalat ng mga rebelde ang mga pamphlet na may katagang “Aniban ng ayaw sa Komunista’ na nagban­tang dapat ng umalis sa lu­gar si Father Talaban kung ‘di-nito nais na ma­pahamak.

“Mag-impake ka na nga­yon din, hinahati ng pa­na­naw mo ang mga mama­mayan ng Aurora, anang kalatas ng mga rebelde.

Show comments