^

Probinsiya

Utak sa pagpatay sa brodkaster tinukoy

- Myds Supnad at Joy Cantos -

MANILA, Philippines - Tinukoy ng mga imbes­tigador ng pulisya na isang opisyal ng local na pama­halaan ang sinasabing mastermind sa pagpatay sa isang radio broadcaster sa Ilocos Norte noong Mi­yerkules ng gabi sa bahagi ng Barangay Barit sa Laoag City.

Pansamantalang hindi muna pinangalanan ni Ilo­cos Norte provincial director P/Senior Supt. Ulysses Abellera ang utak sa kri­men subalit lumilitaw sa mga usap-usapan na isang alkalde ang nagba­yad sa gunman para pas­langin si Jovelito Agustin ng dzJC na madalas bu­matikos sa mga gina­gawang panda­ram­bong ng opisyal.

“Job related since he is known as a hard-hitting broad­caster, and we are looking at a local politician as a probable suspect in the shooting to death of the victim,” pahayag pa ni Abel­lera.

Nabatid na nag-iipon pa ng mga ebidensya ang pu­lisya at kinakausap ang ilang testigo upang mag­salita para madiin sa kaso ang mastermind.

Nauna nang itinuro ni Joseph Agustin, pamang­kin ng radio broadcaster ang suspek na si Leonardo “Uno” Banaag Jr. ng Brgy. 7, Bacarra, Ilocos Norte ang bumaril at nakapatay sa kaniyang tiyuhin.

Sinabi ng opisyal na bahagyang naresolba na ang krimen dahil tukoy at kilala na ang gunman at ang ‘di-muna tinukoy na mastermind na kanilang tinutugis.

Sa tala, umabot na sa tatlo ang napapatay na mediamen sa Ilocos Norte mula noong 2004 kung saan naunang pinaslang sina Roger Mariano, at Andy Acosta na broadcaster din sa dzJC.

Inihahanda na ng mga awtoridad ang pagsa­sampa ng kasong murder at frustrated murder laban sa mga suspek na isa­sampa sa Ilocos Norte Prosecutors Office.

vuukle comment

ANDY ACOSTA

BANAAG JR.

BARANGAY BARIT

ILOCOS NORTE

ILOCOS NORTE PROSECUTORS OFFICE

JOSEPH AGUSTIN

JOVELITO AGUSTIN

LAOAG CITY

ROGER MARIANO

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with