^

Probinsiya

2 suspek sa pamamaril tiklo

- Ni Christian Ryan Sta. Ana -

CABANATUAN CITY, Philippines — Kalaboso ang binagsakan ng dalawang armadong lalaki na bumaril sa sales agent ng softdrink makaraang maaresto ng mga awtoridad sa isinagawang follow-up operation sa Barangay Mabini, sa bayan ng Llanera, Nueva Ecija, kamakalawa ng uma­ga. Pormal na kinasuhan ang mga suspek na sina Dennis Vilelia, 30, ng Barangay Puting Tubing, Gapan City; at Rafael Merez, 25, ng Barangay San Juan, Aliaga, Nueva Ecija. Nasa ospital naman ang nabaril sa hita na si Bernardo Martin, 51, ng Barangay San Ricardo, Talavera, Nueva Ecija. Lumilitaw na nakarinig ng putok ng baril ang pulisya na nagpapatrolya sa nabanggit na lugar kung saan kaagad naman tinungo ang pinagmulan ng putok. Naabutan ng pulisya ang tumatakas na suspek na nakipagpalitan ng putok kung saan maging ang tropa ng 81st Infantry Batta­lion ng Phil. Army ay rumesponde kaya naaresto ang dala­wang suspek.

vuukle comment

BARANGAY MABINI

BARANGAY PUTING TUBING

BARANGAY SAN JUAN

BARANGAY SAN RICARDO

BERNARDO MARTIN

DENNIS VILELIA

GAPAN CITY

INFANTRY BATTA

NUEVA ECIJA

RAFAEL MEREZ

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with