Pumalag sa karnaper, utas

BULACAN , Philippines  — Napaslang ang isang 35-anyos na kawani ng munisipyo makaraang barilin ng isa sa dalawang lalaki na tumangay ng kanyang motorsiklo sa Brgy. Sta. Cruz sa bayan ng Sta. Maria, Bulacan kahapon. Napuruhan ng bala sa dibdib si Cesar Cristobal Jr., inspector ng Enginering De­partment ng Pama­halaang Bayan ng Sta.Maria at nakatira Brgy.Tumana. Ayon kay PO2 Rex Belli Tamani, lumilitaw na ipinarada ng biktima ang kanyang motorsiklo sa burger store nang karnapin ng dalawang lalaki na nakamotorsiklo. Tinangkang habulin ng biktima ang dalawa subalit binaril siya sa dibdib.

Show comments