^

Probinsiya

Clan war: Mag-ama, 1 pa minasaker

- Nina Malu Manar at Joy Cantos -

KIDAPAWAN CITY, Philippines - Pinaniniwalaaang may kaugnayan sa clan war ang isa sa motibo kaya niratrat hanggang sa mapatay ang tatlong miyembro ng pa­milya ha­bang dalawang iba pa ang nasugatan sa na­ganap na masaker sa liblib na bahagi ng Ba­rangay Crossing Bu­saon sa bayan ng Bani­silan, North Cota­bato kama­­kala­wa ng gabi.

Kabilang sa mga napas­lang ay ang mag-amang sina Abdilla Abdul, 60; anak na si Noria Abdul, 27 at si Kagui Pasigan.

Isinugod naman sa ospital ang mga sugatang sina Daumul Akmad at Dabay Abdul, 52, misis ni Abdilla.

Sa ulat ni sinabi ni P/Senior Supt. Norberto Batis­laong, police provincial director, naganap ang pamamaslang bandang alas-10 ng gabi kung saan magkakasamang nano­nood ng telebisyon ang mga biktima sa loob ng kanilang tahanan.

Nabatid na nagma­ma­ka­awa na ang mag-asawa sa mga armadong kala­lakihan su­balit isinagawa pa rin ang brutal na kri­men.

Nare­kober sa crime scene ang ilang bas­yo ng M16 at M14 Ar­malite rifles habang patuloy naman ang imbestigasyon ng pulisya.

ABDILLA ABDUL CROSSING BU DABAY ABDUL DAUMUL AKMAD KAGUI PASIGAN NORBERTO BATIS NORIA ABDUL NORTH COTA SENIOR SUPT SHY
  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with