Bahay ng mayor, utol binomba

MANILA, Philippines - Niyanig ng mag­kaka­sunod na pagsabog ang bahay ng mayor, utol nito at isang kamag-anak ma­ka­raang hagisan ng bomba ng mga di-pa kilalang grupo kahapon ng mada­ling araw sa bayan ng Bu­rgos, Isabela.

Ayon kay regional police director Chief Supt. Roberto Damian, dakong alas -2:45 ng madaling-araw nang uma­lingawngaw ang serye ng pagsabog sa compound ni Burgos Mayor Ruben Tegui sa Barangay Cali­guian.

Bu­kod sa ba­hay ni Mayor Tegui ay pinasabugan din ang bahay ng kanyang kapatid na si Arnold Tegui at kamag anak na si  Alfredo Camia.

Napag-alaman na dala­wang improvised explosive device (IED) ang ginamit sa pagpapasabog habang nakarekober ng isa pang bomba na inilagay sa lata ng sardinas ay hindi sumabog sa harapan ng compound ni Mayor Tequi. Wala naman nasugatan sa pagsabog, subalit nag­dulot naman ito ng pinsala sa mga bahay at pangamba sa panig ng pamilya at kamag-anak ng nabanggit na alkalde.Joy Cantos

Show comments