2 sundalo dedo sa patibong

MANILA, Philippines - Dalawang sundalo ang nasawi habang isa pa ang nasugatan makaraang suma­bog ang patibong na bomba ng mga pinaghihinalaang miyembro ng mga bandidong Abu Sayyaf sa Barangay Pa­matsaken, Sumisip, Basilan nitong Biyernes ng umaga.

Gayunman, pansaman­tala munang hindi tinukoy n­i Army Spokesman Lt. Col. Arnulfo Marcelo Burgos Jr. ang mga pangalan ng dala­wang nasawing sundalo dahil kailangan pang sabihan ang pamilya ng mga ito.

Isinugod naman sa pa­gamutan ang isa pang nasu­gatang biktima para mala­patan ng lunas.

Sinabi ni Burgos na da­kong alas-6:20 ng umaga, nag­sasagawa ng combat clearing patrol ang mga elemento ng 32nd Infantry Battalion ng Philippine Army nang sumabog ang isang Improvised Explosive Device. Joy Cantos

Show comments