Holdap: Trader tumba, P.5 milyon tangay

CAMP SIMEON OLA, Legazpi City — Kamatayan ang sumalubong sa isang 30-anyos na trader makaraang barilin ng mga holdaper kung saan tinangay pa ang P.5 milyong sa naganap na panibagong karahasan kahapon ng umaga sa Barangay Sooc sa bayan ng Lupi, Camarines Sur. Kinilala ang napatay na si Jerual Jimenez ng F. Balces St. Vinson, Ca­ma­rines Norte habang nakaligtas naman ang dalawang kasa­mahan ni Jimenez na sina Melissa Retiro at Riza Mae Mirando na kapwa nakatira sa Barangay Bagasbas, Daet, Camarines Norte. Base sa police report, lumilitaw na hina­rang ang Izusu Crosswind (XCX 799) ng biktima habang bu­mabagtas sa Maharlika Highway. Matapos makuha ang malaking halaga ay binaril pa si Jimenez. Ed Casulla

Show comments