^

Probinsiya

Lolo pinaslang ng apo

-

CAMP SIMEON OLA , Legazpi City, Philippines – Karumal-dumal na kamatayan ang sinapit ng isang 90-anyos na lolo nang hatawin sa ulo ng kanyang apo sa loob ng kanyang bahay sa Sitio Caparos, Barangay Buena­vista, Castilla, Sorsogon.

Nakilala ang biktima na si Domingo Certeza, bi­yudo.

Ang suspek na kaagad kinasuhan ay kinilalang si Alfredo Absoro Jr. nasa hustong gulang at resi­dente ng Sitio Bantique, Barangay Bantayan, Pilar, Sorsogon.

Sinabi ng pulisya na nag-aalmusal si Certeza sa loob ng kanyang bahay bandang alas-7:00 ng umaga nang hatawin siya sa ulo ni Absoro sa pama­magitan ng isang pirasong bakal. Agad na bumulagta ang biktima.

Matapos ang pama­mas­lang ay agad na tuma­kas ang suspek.

Hindi pa mabatid ng mga awtoridad habang isinusulat ito kung ano ang motibo ng suspek para pas­langin ang kanyang lolo. Ed Casulla

vuukle comment

ALFREDO ABSORO JR.

BARANGAY BANTAYAN

BARANGAY BUENA

DOMINGO CERTEZA

ED CASULLA

LEGAZPI CITY

SHY

SITIO BANTIQUE

SITIO CAPAROS

SORSOGON

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with