Babaeng negosyante hinoldap

BALANGA CITY, Bataan , Philippines  ­— Isang negos­yan­teng babae ang hi­noldap ng tatlong hindi kilalang mga kalalakihan habang bumababa ito sa kanyang owner type jeep sa harapan ng kanyang bahay sa Barangay Tali­say, Balanga City, Bataan kamakalawa ng gabi.

Ang biktima na hindi na nakapalag dahil bi­naril siya sa balikat ay ki­ni­lala ni Bataan Police Director P/Sr.Supt. Ma­nuel Gaerlan na si Eme­lyn Hocson y Vicente, 44-anyos.

 Pauwi na ang biktima galing sa kanyang botika at, pagsapit sa harapan ng kanyang tahanan, dalawang lalaki ang tumutok sa kanya ng pa­talim na ang isa ay may hawak ng .38 kali­breng baril at nagdeklara na hold-up.

Sapilitang hinatak ng mga suspek ang tangang bag ng biktima at nang ayaw bitiwan ay pina­putukan siya sa kali­wang balikat kaya nabi­ti­wan nito ang kanyang attaché case na nagla­laman ng P5,000 cash at mga blangkong tse­ke. Jonie Capalaran

Show comments