3 nalason sa pizza

MANILA, Philippines - Tatlong estudyante ang naospital matapos malason sa kinaing pizza at cake sa can­teen ng kanilang kole­hiyo sa General Santos City ka­makalawa.

Kinilala ang mga biktima na sina Sammy James Al­monya, 18 ng Labangal; Ka­ren Dagayutan, 18; at Car­mela Lapas, 19.

Nagmemeryenda sa kan­tina ng isang kolehiyo sa lungsod ang tatlo at umorder ang mga ito ng cake at pizza kamakalawa ng hapon.

Matapos kumain ay na­karamdam na sila ng pana­nakit ng tiyan, ulo, pagsu­suka, panghihina at matin­ding pagkahilo.

Bunsod nito ay agad na isinugod sa pagamutan ang tatlo sa mga staff ng na­sabing kolehiyo.

Pinaniniwalaan namang panis na ang nakaing pizza at cake ng naturang mga es­tudyante na naging da­ hilan ng pagkalason ng mga ito. Joy Cantos

Show comments