2 mangangaso dinukot

MANILA, Philippines - Dalawang mangangaso ang dinukot ng mga hi­ni­hinalang miyembro ng Moro Islamic Liberation Front habang nanghuhuli ng baboy-ramo sa ka­gu­batan ng Buldon, Maguindanao kamakalawa. Kinilala ang mga biktima na sina Teddy Capino at isang alyas Noy­noy Arsenal, pawang residente ng Sitio Veterans, Ba­rangay Dado, Alamada, Cotabato. Nati­yempuhan umano ng MILF rebels ang mga bik­tima kung saan na­galit ang mga ito sa pagpasok ng mga ma­nga­ngaso sa kanilang teritoryo. (Joy Cantos)

Show comments