Magkaibigan dedo sa truck

CAMP SIMEON OLA, Legazpi City, Philippines – Napaaga ang salubong ni kamatayan laban sa magkaibigang tindero ng sampaguita makaraang sumalpok ang kanilang motorsiklo sa nakaparadang truck sa gilid ng highway kahapon ng madaling-araw sa Barangay San Francisco sa bayan ng Baao, Cama­rines Sur.

Kapwa idineklarang patay sa Mediatrix Hospital sa Iriga City sina Rico Ragodon, 32, at Melvin Remolar, 32, kapwa nakatira sa Purok 6, Barangay Bongoran, sa bayan ng Oas, Al­bay.

Sa ulat ng pulisya, lumilitaw na pumarada ang ten wheeler truck (EVS 789) ni Joel Cal ng Norzagaray, Bucalan para ayusin ang makina subalit sumalpok ang motorsiklo ng dalawa. Ed Casulla

Show comments