Konsehal dakma sa buy-bust

BATANGAS — Naghihimas na ng malamig na rehas na bakal ang isang konsehal ng barangay matapos arestuhin ng mga tauhan ng Philippine Drug Enforcement Agency habang nagbebenta ng bawal na droga sa bayan ng Cuenca, Batangas kamakalawa ng umaga.

Pormal naman kinasuhan ni P/Chief Inspector Chris Abrajano, hepe ng PDEA Region 4-A, ang suspek na si Kagawad Roderick Rosales ng Ba­rangay 2 Poblacion.

Ayon sa police report, nagbenta si Rosales ng isang gramo ng shabu sa police poseur buyer kung saan isinagawa ang buy bust operation bandang alas-10 ng umaga. Arnell Ozaeta 

Show comments