Tulay pinasabog ng Sayyaf

MANILA, Philippines - Isa na namang tulay ang pinasabog ng mga ban­didong Abu Sayyaf sa panibagong paghahasik ng terorismo sa lalawigan ng Sulu nitong Huwebes ng gabi.

Ayon kay Armed Forces of the Philippines-Western Min­ danao Command Spokesman Maj. David Hontiveros, pasado alas-11:00 kamakalawa ng gabi nang sumabog ang itinanim na Improvised Explosive Device ng mga bandido sa Tangan-Tangan bridge sa bahagi ng Barangay Taung, Patikul, Sulu.

Wala namang naiulat na namatay o nasugatan sa in­sidente subalit halos kalahating bahagi ng tulay ang nawasak sa insi­dente.

Noong Sabado, pina­sabog ng mga terorista ang Lagtoh bridge sa Indanan, Sulu. (Joy Cantos)

Show comments