^

Probinsiya

Holdaper patay sa kasamang holdaper

-

BAYOMBONG, Nueva Vizcaya, Philippines – Binaril ang isang holdaper ng kapwa holdaper kamakalawa ng tanghali sa Naguillian, Isa­bela.

Ang biktimang si Rodrigo Dela Cruz, residente ng Brgy Tali­ papa, Cabanatuan City ay patay agad ng pagbabarilin ng ’di pa nakikilang suspek/holdaper.

Sa imbestigasyon ng pulisya, hinoldap ni Dela Cruz at ng ’di pa nakikilang kasama nito ang Indian nat’l na si Bequi Palwar, habang naniningil ng utang. Ngunit ilang minuto pa lang na nakakalayo ang mga suspek ay nakarinig ng mag­kakasunod na putok ng baril ang mga residente dito.

Laking gulat na lang umano ng mga residente dito ng maki­lala at makita si Dela Cruz na nakahandusay at patay na dahil sa mga tama ng bala sa ulo at iba’t ibang katawan. Posible umanong nagtalo ang dalawang holdaper sa kani­lang hatian sa nakuhang pera mula kay Palwar. (Victor Martin)

vuukle comment

BEQUI PALWAR

BINARIL

BRGY TALI

CABANATUAN CITY

DELA CRUZ

ISA

NAGUILLIAN

NUEVA VIZCAYA

RODRIGO DELA CRUZ

VICTOR MARTIN

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with