^

Probinsiya

AFP, PNP nag-alay ng misa sa paboritong simbahan ni Cory

-

MANILA, Philippines - Magkatuwang na nag-alay ng misa ang pamu­nuan ng AFP at PNP sa Min­danao sa paboritong simbahan ni yumaong ex- President Corazon “Cory” Aquino sa Zamboanga City kahapon.

Ang misa ay dinaluhan mismo nina AFP-Westmin­com Commander Major Gen. Ben Mohammad Do­lorfino at PRO 9 Director Chief Supt. Angel Sunglao.

Idinaos ang misa da­kong alas-12 ng tanghali sa Immaculate Concepcion Metropolitan Cathedral kung saan naging bahagi ng buhay ni Cory ang sim­bahan ng kanya itong bisi­tahin noong 1989. 

Isa rin ang nasabing simbahan sa mga nag-alay ng misa para sa paggaling ni Cory nitong mga nakalipas na linggo kung saan nasa Makati Medical Center kaugnay ng sakit na colon cancer.

Sinabayan din ng mga sundalo at pulis ng isang minutong panalangin ng ilagay sa half mast ang bandila ng Pilipinas sa kani-kanilang mga kampo para sa namayapang Pa­ngulo.

Ayon sa mga taga Zam­boanga, napakaraming simbahan sa kanilang lugar ang tinulungan ni Cory noong ito ay nanunungku­lan pa bilang lider ng bansa kung saan ang Immaculate Concepcion Metropolitan Cathedral ang isa sa pa­borito nitong sim­ bahan sa tuwing magtu­tu­ngo sa lung­sod.

Magugunita na si Cory ay naluklok sa kapang­yarihan matapos ang ma­tagumpay na People’s Power Revolt noong Peb­rero 1986. Joy Cantos


vuukle comment

ANGEL SUNGLAO

BEN MOHAMMAD DO

COMMANDER MAJOR GEN

DIRECTOR CHIEF SUPT

IMMACULATE CONCEPCION METROPOLITAN CATHEDRAL

JOY CANTOS

MAKATI MEDICAL CENTER

POWER REVOLT

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with