^

Probinsiya

Mag-utol na bata lunod sa septic tank

-

CAMP VICENTE LIM, Laguna, Philippines — Napaaga ang salubong ni kamatayan sa mag-utol na bata matapos mahulog at malunod sa hinukay na poso-negro na puno ng tubig sa bayan ng Imus, Cavite noong Lunes ng hapon.

Kinilala ni PO1 Dennis Magsaysay, investigator ng Imus PNP, ang mga bikti­mang sina Maricris Lao Ang, 5; at Mikee Lao Ang, 4 , kapwa nakatira sa Sitio Pulo, Anabu 2C, sa na­bang­git na bayan.

Ayon sa police report, ini­wang natutulog ng ka­nilang ina ang magkapatid sa loob ng kanilang kuwar­to para sunduin sa paara­lan ang isa pang anak nito bandang alas-4 ng hapon.

Laking gulat na lang ng ina nang pagbalik ng ka­nilang bahay ay natag­puan ang dalawa na pa­lutang-lutang sa hukay na may lalim na 5-talampakan para sana sa ginagawa nilang septic tank.

 “Posibleng naglaro ang mga bata sa hukay na ’yon hanggang sa ma­hulog ang mga ito at ma­lunod,” pa­hayag ni PO1 Magsaysay.

Itinakbo pa sa De La Salle University Hospital ang dalawang bata pero idineklarang patay.

vuukle comment

ANABU

AYON

CAVITE

DE LA SALLE UNIVERSITY HOSPITAL

DENNIS MAGSAYSAY

ITINAKBO

MARICRIS LAO ANG

MIKEE LAO ANG

SHY

SITIO PULO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with