^

Probinsiya

2 sa Sadam Gang napatay

-

MANILA, Philippines - Dalawang pinaghihina­laang miyembro ng Sadam robbery gang ang napatay sa pakikipagbarilan sa mga pulis sa Pagbilao, Quezon ka­ ha­pon ng madaling-araw.

Kinilala ng pulisya ang mga suspek na sina Randy Obal at Eric Banayado, kap­wa residente ng Luce­na City.

Ayon kay CALABARZON Police Director Chief Superintendent Perfecto Palad, dakong ala-1:00 ng mada­ling-araw nang magkabarilan ang mga suspek at ang mga pulis sa Pagbilao-Tayabas Road sa Barangay Bukal sa naturang lungsod.

Naunang sinita ng mga pulis ang mga suspek dahil sa paggamit ng motorsiklo na walang plaka matapos ang mga itong masabat.

Gayunman, agad na pi­naputukan ng mga suspect ang mga operatiba ng pu­lisya na humantong sa ba­rilan.

Lumilitaw sa imbesti­gas­yon ng mga awtoridad na ang grupo ay sangkot sa mga panghoholdap sa lala­wigan kabilang ang pagta­ngay sa P1.6 milyong bonus ng mga guro sa Mauban, Quezon noong Mayo 21.

Nakuha sa pinangya­rihan ng barilan ang isang caliber 45 pistol, isang caliber 38 pistol, tatlong basyong bala ng M-16 rifle, tatlong basyong bala ng 9mm pistol at bas­yong bala para sa 38 revolver at isang motorsiklo.

vuukle comment

AYON

BARANGAY BUKAL

DALAWANG

ERIC BANAYADO

PAGBILAO-TAYABAS ROAD

POLICE DIRECTOR CHIEF SUPERINTENDENT PERFECTO PALAD

QUEZON

RANDY OBAL

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with