^

Probinsiya

Anak pinatay sa gulpi ni tatay

-

CAVITE, Philippines — Maagang nag­wakas ang buhay ng isang batang mag-aaral ma­tapos mapatay sa gulpi ng kanyang ama dahil sa kahinaan ng ulo sa pag-aaral kamakalawa sa ba­yan ng Tanza, Cavite.

Ayon kay P/Inspector Jender Mercado, deputy chief ng police sa Tanza, nag­hihimas na ng rehas na bakal ang suspek na si Ro­nald Dayap, 34, ng Block 3, Lot 20, Phase 2 St. Agustin Village, Daang Amaya 2, Tanza, Cavite ma­tapos ni­tong mapatay ang sariling anak na si Aldrin Dayap, 7, grade 1 pupil.

Sa inisyal na ulat ng pu­lisya, lumilitaw na pinag­ pa­palo ng ilang ulit ng suspek ang kanyang anak na sina­sabing umabot ng ilang oras bago tigilan sa pang­gugulpi noong hindi ito na­ka­kasagot sa mga tanong habang tinutu­ruan nito sa pagbabasa ng Eng­ lish at pagbibigkas ng abakada noong Martes ng gabi.

Subalit noong Miyerku­les, bandang alas-9 ng umaga, pakakainin na sa­na ng ina ang biktima pero hindi na ito magising.

Sa isinagawang otop­siya ng mga awtoridad, lumilitaw na nagtamo ng mga pinsala sa ulo at sa ibat-ibang bahagi ng kata­wan ang bata dahil sa pag­hataw ng dos-por-dos ng sarili nitong ama.

May nakarinig namang ilang kapitbahay na may ilang oras ding ginulpi ang ba­ta bago pa tumigil ang ama.

Nahaharap ngayon sa kasong parricide ang ama ng bata dahil na rin sa isinampang reklamo ng ina sa himpilan ng pulisya.

Nakapiit na sa Tanza police station ang suspek matapos itong boluntar­yong sumuko at handang harapin ang nagawang krimen.


vuukle comment

ALDRIN DAYAP

AYON

CAVITE

DAANG AMAYA

DAYAP

INSPECTOR JENDER MERCADO

MAAGANG

SHY

ST. AGUSTIN VILLAGE

TANZA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with