^

Probinsiya

Shootout: 3 holdaper bulagta

-

RIZAL, Philippines – Tatlong armadong kalalakihan na sinasabing sangkot sa serye ng holdapan sa ilang gasolinahan ang bumulagta maka­raang makipagbarilan sa mga alagad ng ba­tas kaha­pon ng umaga sa bayan ng Angono, Rizal.

Patuloy naman bi­ne­beripika ang pagki­kilan­lan ng tatlong na­patay kabilang na ang isa na putol ang kamay na nasa pagitan ng edad na 35 hanggang 40-anyos

Isinugod naman sa Angono Medics Hospital ang gasoline boy na si Roberto Velez mata­pos na pagbabarilin ng tatlo sa likod at hita.

Sa police report na nakarating kay P/Supt. Hermino Cantanco, dakong alas-8:40 ng umaga nang maka­tang­gap ang himpilan ng pulisya kaugnay sa nagaganap na holda­pan sa Caltex gasoline station sa bisinidad ng Manila East Road.

Kaagad nag-follow-up operation ang pu­lis­ya at namataan ang mga suspek na lulan ng kulay puting Hyun­dai sedan at nagkaha­bulan.

Kasunod nito na­kor­ner ang mga sus­pek na imbes na sumu­ko ay nakipagpalitan ng putok ng baril sa mga alagad ng batas.

Matapos mahawi ang usok ay nama­taang nakahandusay ang tatlo habang na­re­kober sa loob ng sa­sakyan ang ’di-pa ma­ba­tid na halaga mula sa gas station, M-16 rifle, tatlong maiksing baril at isang granada.

Samantala, nagawa namang makatakas ng drayber ng mga sus­pek patungong direk­syon ng Laguna Lake. Danilo Garcia

vuukle comment

ANGONO

ANGONO MEDICS HOSPITAL

CALTEX

DANILO GARCIA

HERMINO CANTANCO

HYUN

LAGUNA LAKE.

MANILA EAST ROAD

ROBERTO VELEZ

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with